3 patay, 2 kritikal sa araro ng oil tanker

Kinilala ang mga namatay na sina Kent Roxas, 17; Aleah Marie Umagap, 3; at si Milagrosa Salod, 65. File

3 patay, 2 kritikal sa araro ng oil tanker

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO, Philippines —Tatlo-katao ang namatay habang dalawa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang araruhin ng oil tanker ang mga bahay  sa bisinidad ng Barangay Marber sa bayan ng Bansalan, Davao Del Sur noong Byernes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Kent Roxas, 17; Aleah Marie Umagap, 3; at si Milagrosa Salod, 65.

Naisugod naman sa ospital sina Sophia Mainit, 7; at Angel Erebias, 16, matapos magtamo ng mga sugat at bali sa katawan.

Maging ang driver ng oil tanker na si Jerald Pulpul ay nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Davao City ang oil tanker mula sa bayan ng Arakan, North Cotabato kung saan nagpreno ang driver pagsapit sa tulay.

Gayunman, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng oil tanker hanggang sa gumewang-gewang saka inararo ang mga bahay sa gilid ng kalsada.

Nakatakda naman ka­suhan ng pulisya ang driver na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with