5 Maute-ISIS dedo sa encounter
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO, Philippines — Lima pang teroristang miyembro ng Maute Group ang napatay makaraang makasagupa ang Phil. Marines Special Operations Group sa ilalim ng Joint Task Group Tiger kahapon ng madaling araw sa main battle area sa Marawi City. Ayon kay Lt. Colonel Jo Ar Herrera, tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, bandang ala-una ng madaling araw nang makasagupa ng militar ang grupo ng terorista. Sa sagupaan, lima agad ang napatay, apat ang body count habang dalawa lamang ang narekober ng militar. Paliwanag ni Herrera, hindi na nakuha ang ibang bangkay dahil sa masyadong mapanganib na lugar. Nakarekober din ng dalawang matataas na kalibre ng baril at night vision goggle. Wala namang naiulat na napatay o nasugatan sa hanay ng militar.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with