_ngayon
^

Probinsiya

Drug courier, itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 33-anyos na lalaki na sinasabing drug courier matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa likod, mukha at kilikili ang biktimang si John Rey Lastimosa Buagas, may asawa at residente ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating kay Midsayap Chief of Police P/Supt. Bernard Tayong, naitala ang krimen bandang alas-8 ng gabi kung saan pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang tambangan ng dalawang hindi kilalang lalaki. Nagawa pang maisugod sa Amado Diaz Provincial Foundation Hospital ang biktima subalit idineklarang patay. Narekober ang dalawang pakete ng shabu sa bulsa ng biktima.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with