2 dumayo sa inuman natagpuang patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang mister na inutusang bumili ng pulutan subalit hindi na nakabalik sa kanilang laklakan noong Linggo ay natagpuang patay sa Barangay Dagupan, bayan ng Tuao, Cagayan noong Martes.? Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Raymond Asistores, hepe ng Tuao police, kapwa dumayo lamang ang mga biktimang sina Aristeo Tiburcio, 35; at Leonardo Ardiles, 30, mga nakatira sa Barangay Mambacag sa bahay ng kaanak na si Leonardo Ardiles nang inutusang bumili ng pulutan sakay ng motorsiklo noong Linggo ng gabi.? Ayon sa ulat, umaga na ng Martes nang madiskubre ang dalawa na naaagnas sa talahiban malapit sa sinakyan nilang motorsiklo. Isasagawa pa lamang ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang awtopsiya sa bangkay ng dalawa upang malaman ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Show comments