Mister inutas sa inuman
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Napatay ang 49-anyos na mister matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan sa Laoag City, Ilocos Norte noong Byernes ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police ang napatay na si Rodrigo Balaqui na napuruhan sa ulo sa harap ng kanyang mga kainumang natalsikan pa ng dugo.? Samantala, naaresto naman ang mga suspek makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang motorsiklo sa Barangay Guerrero sa nasabing bayan. Naisugod naman sa Dingras District Hospital ang mga suspek na sina Eric Balicoco, 22; at Michael De Jesus, 31, mga nakatira sa bayan ng Sarrat. Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek matapos silang kilalanin ng mga kainuman ng biktima. Gayunman, wala naman narekober na baril sa mga suspek ang awtoridad sinisilip naman ang anggulong may kaugnayan sa onsehan ng droga o personal na alitan ang pamamaril.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with