Pusher todas sa buy-bust

Nakadapa pa sa kalsada ang sinasabing drug pusher  matapos itong manlaban at mapatay ng mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. sa Barangay Cut-Cot, bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Miyerkules ng gabi. Romeo “Boy” Cruz

BULACAN, Philippines – Napatay ang isa na namang drug peddler matapos itong manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa anti-drug operation sa Barangay Cut-Cot sa bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Miyerkules ng mada­ling araw.

Kasalakuyan pang ­inaalam ang pagkakakilanlan ng napaslang na may Alyas Obet, naka-puting T-shirt, maong pants at itim na tsinelas.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Orlando Castil Jr., inilatag ang buy-bust operation laban kay Obet na bumaba ng sasakyan para makipag-usap sa poseur-buyer ng pulis.

Subalit nakatunog ang kanyang driver kaya mabilis na umalis kung saan naiwan si Obet. Gayunman, pinasusuko ng pulisya si Obet subalit nanlaban ito kaya napatay.

Narekober sa encounter site ang cal.38 revolver na may mga bala, coin purse na naglalaman ng 12 plastic sachet na shabu at P500 marked money.

Show comments