Kagawad inutas sa harap ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 43-anyos na barangay kagawad matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Caroan, bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Edgar Manuel, hepe ng Gonzaga police ang biktima na si Efren Sola habang hindi naman sinaktan ng gunmen ang anak. Anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol ang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene. Samantala, sinasabing naaksidente ang tandem gunman sa kanyang pagtakas sa sumunod na bayan ng Sta. Teresita. Sa inisyal na ulat, tinakasan ang gumman ng kanyang kasabwat kung saan wala pa ring ulirat nang dalhin sa Cagayan Valley Medical Center. Wala naman sa drug watchlist si Sola subalit sinisilip ang anggulong politika ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments