Durugista itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines – Napatay ang 34-anyos na durugista matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion Norte, bayan ng Maddela, Quirino noong Linggo.? Kinilala ni PO2 Edilmar Odson ang napatay na si Mario Barcelo na sinasabing sumawsaw na sa Oplan Tokhang sa kanilang lugar noong Hulyo 2016.?  Ayon kay PO2 Odson, hinarang at binabaan ng isa sa gunman si Barcelo saka binoga sa ulo dakong alas-9:30 ng umaga.?  Hindi naman sinaktan ng gunman ang kaangkas ni Barcelo na si Danny Rivera na kasamang sumadsad sa kalsada at natalsikan pa ng dugo sa mukha.?  Sinikap itakbo ng mga sumaklolo si Barcelo sa Maddela District Hospital subalit idineklarang patay. ?Si Barcelo ang ika­-anim nang napatay na drug per­sonalities sa Cagayan Valley simula noong Miyerkules kung saan ay tatlo ang naitala sa Isabela at dalawa naman sa Cagayan.

Show comments