Barangay kagawad, pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines - Isa na namang barangay kagawad na sinasabing drug suspek ang napaslang makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Centro Dos, bayan ng Mallig, Isabela noong Biyernes. ?Kinilala ni P/Senior Insp. Rexson Casauay, hepe ng Mallig Police Station, ang napatay na si Kagawad Angelito Castillo, 49, ng Barangay San Pedro. ? Ayon kay Casaua, si Castillo ay sumawsaw na sa Oplan Tokhang noong 2016 bilang adik. Lumalabas sa imbestigasyon na binabaan si Castillo ng gunman matapos harangin ng itim na Montero ang traysikel nito saka siya niratrat sa ulo dakong alas-3:30 ng hapon.? Hindi naman sinaktan ng gunman ang kasama ng biktima na nakaupo sa kanyang likuran na tumalon at kumaripas ng takbo matapos ang pamamaslang. Matatandaan na itinumba rin ng gunman ang tattoo artist na si Rafael Tuppal sa Cauayan City noong Miyerkules.?  

Show comments