9 tiklo sa anti-drug operation

QUEZON, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng siyam na drug suspek makaraang masakote sa isinagawang anti-drug operation sa Villa Consolacion Subdivision sa Barangay Lusacan, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng madaling araw.? 

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Alvin Consolacion, chief of police sa nasabing bayan ang mga suspek na sina Ramon Magundayao, 36, live-in partner nitong si Mariel Liwag, 40; Abner de Guzman, Domingo Hernandez, Cristina Datinguinoo, Rommel Perez, Janmor Amo, Jefferson de Gala, at si  Rafael Predicala Jr.? 

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa magka-live-in na sina Ramon at Mariel kung saan nasamsam ang 3 plastic sachet ng shabu at marked money.? 

Nang pasukin ang loob ng bahay ng magka-live-in ay naaktuhan ang pitong iba pang kalalakihan sa pot session kung saan nasamsam ang 3 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at shot gun na may dalawang bala.

Show comments