Jailbreak: 6 preso pumuga

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  – Anim na preso na may mga kasong kinalaman sa droga ang pumuga sa detention cell ng himpilan ng pulisya sa San Pedro City, Laguna kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Region 4 Public Information Officer P/Chief Supt. Chitadel Gaoiaran ang mga puganteng sina Benjo Lopena, Mark Joseph Varias, Jordan Mahusay, Ed Niño Lozada, Rey Erenia, at si Arvin Lizarda. Ayon sa ulat, bandang 4:30 ng umaga nang pumuga ang mga preso matapos lagariin ang rehas na bakal ng kanilang selda. Samantala, binigyan naman ng 24-oras ni San Pedro City P/Chief Supt. Harold  Depositar ang mga duty guards kabilang na sina PO2 Jovencio Piodo at Duty Desk Officer PO3 Crisman Manabat para maibalik sa kulungan ang mga pugante o masisibak sila sa puwesto.

Show comments