Paslit lunod sa resort pool

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Patay ang isang 3-anyos na batang babae makaraang malunod  habang nagsu-swimming sa Dorotea Resort sa Brgy. Cajugutan, Bacacay, Albay noong Sabado ng gabi. Naisugod pa sa hospital pero makaraan ang isang oras na pakikipaglaban kay kamatayan, idineklarang patay ang biktimang si Shaira Lorraine Betito, Grade 2 pupil ng Brgy. San Pedro. Sa ulat ni Chief Insp. Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay Police, dakong alas-11:00 ng gabi habang nagsu-swimming sa pool ang biktima nang sandaling iwanan ng nagbabantay na nakatatandang kapatid para manuod ng ginagawang show sa function hall ng resort. Ilang sandali lang ay pinagkaguluhan ang nalulunod na biktima kung saan agad naihaon at ni-revive at saka isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City. Gayunman habang nilalapatan ng lunas nag-kumbulsyon ang bata at namatay.

Show comments