85-anyos hinataw ng bato ng anak, patay!

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isang 85-anyos na lolo na paralitiko ang nasawi sa kamay ng sari­ling anak na sekyu matapos hatawin ng bato sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Purag, Sinait, Ilocos Sur noong Huwebes.?

Kinilala ni Chief Insp. Reynaldo Mendoza, hepe ng Sinait Police ang biktima na si Elpidio Yadao, habang ang anak na security guard ay si Nestor Yadao, 50,  na dinakma ng mga nagrespondeng pulis matapos ang krimen. Ayon kay Mendoza, umuwing lasing ang suspek mula sa laklakan matapos ang libing ng isang kaanak sa Cabugao.

Nang madatnan niya ang matanda na nakaupo sa kanilang beranda, walang habas na pinaghahampas ng sekyu ang ama gamit ang pinulot malala­king tipak ng bato.?

Agad na isinugod ng mga pulis ang matanda sa Corpuz Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with