Mag-amang Aeta, pinabulagta
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-amang Aeta na nag-iinuman makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa natukoy na berdugo sa loob ng tolda sa kanilang sakahan sa liblib na Barangay San Agustin, bayan ng Abulug, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni SPO1 Rogelio Cristobal ang mga napatay na sina Rolando Abuyan, 40; at Arnel Abuyan, 20, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay Cristobal, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima kung saan nagkalat sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 Armalite rifle. ?Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala naman atraso ang mag-ama sa mga residente at lalong hindi sila sangkot sa droga.

AETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with