2 hepe ng pulisya sinibak dahil sa jueteng

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Dalawang hepe ng pulisya sa Cagayan  ang tuluyang sinibak sa tungkulin bilang tugon sa one strike policy ng police regional office dahil sa kabiguan nilang patigilin ang yumayabong na operasyon ng jueteng sa kanilang teritoryo, kamakalawa. ?

Kinilala ang sinibak sa puwesto na sina P/Chief Insp. Edgar Unista ng Lasam at P/Chief Insp. Engelbert Bunagan ng bayan ng Lallo.? Si Unista ay pinalitan ni P/Senior Insp. Leon Umbrero Jr. at humalili naman si P/Chief Insp. Eugenio Mallillin kay Bunagan. Ang pagsibak ay nasundan sa pagbuwag ng mga operatiba ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa mga bolahan ng jueteng sa Barangay Calao, bayan ng Lasam at Barangay Catayauan sa bayan ng Lallo kung saan isang dosenang tao ang naaresto at makasuhan.?

Show comments