Pulis kumasa sa 2 holdaper, patay

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si PO3 Joel Pelayo, nakatalaga sa NAIA cargo, Terminal 1 at nakatira sa # 99 Tabing Ilog sa Brgy. Ani­ban 2 sa nasabing lungsod.
File Photo

CAVITE , Philippines  – Napatay ang 38-anyos na pulis matapos itong ratratin ng dalawang lalaki na nang holdap sa pet clinic sa Barangay Habay 2 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si PO3 Joel Pelayo, nakatalaga sa NAIA cargo, Terminal 1 at nakatira sa # 99 Tabing Ilog sa Brgy. Ani­ban 2 sa nasabing lungsod. Sugatan naman ang isang menor-de-edad na babae na tinamaan ng ligaw na bala sa kamay. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagpanggap na customer ang dalawang lalaki sa Dr. G Animal Clinic sa Tirona Highway bago nagdeklara ng holdap bandang alas-11: 30 ng umaga.

Gayunman, nagkataon namang nasa loob ng clinic si P03 Pelayo kaya tinangka nitong kumasa subalit pinutukan siya ng mga holdaper.

Tinangay ng mga holdaper ang mga personal na gamit at hindi mabatid na malaking halaga ng ma­nager ng clinic na si Manny Saulog.

Show comments