_ngayon
^

P125-M halaga ng shabu, nasabat

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Aabot ng P125 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng pulisya sa inabandonang van sa Matnog Ferry Terminal, Sorsogon kahapon.

Sa pangunguna ni P/Chief Inspector Jeric Don Sadia, nirekisa ang abandonadong Toyota Revo na blue (WLP 687) sa parking area ng nasabing lugar sa bayan ng Matnog.

Nabatid na inakalang may bomba ang nasabing sasakyan kaya kaagad na bumuo ng pangkat ang pulisya, 31st Infantry Battalion ng Phil. Army, Philippine Coast Guard at K9 Unit ng Provincial Public Safety Company kung saan nang buksan tumambad sa kanila ang 25 kilong shabu na may  street value na P125 milyon.

Pinaniniwalaang dadalhin ang nasabing droga sa Tacloban City, Leyte subalit inabandona nang malamang nagkalat ang mga pulis at militar sa loob ng pantalan. Sa beripikasyon, lumalabas na nakarehistro sa pangalan ni Ramil Mercado ng Navotas, Manila ang nasabing sasakyan.

MATNOG FERRY TERMINAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with