Trader dinedo ng tandem

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Patay ang 52-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Fidel Flores Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Donald Cabigas, hepe ng Pikit Police ang biktima na si Ruben Lopez, may-asawa at nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa police report, nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima habang narekober naman sa crime scene ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments