^

Probinsiya

Motorsiklo, van nagsalpukan: Mag-utol, 1 pa patay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines – Kapwa patay ang magkapatid at isa pa nilang kaangkas matapos mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang van sa kahabaan ng Brgy. Iba, Meycauayan City, sa lalawigan Sabado ng madaling-araw.

Naisugod pa ang isa sa mga biktima na nakilalang si Macky Cabacungan, 20, drayber ng Brgy. Pantoc, Meycauayan City sa Mary Mount Hospital subalit idineklarang patay habang inaalam pa ang mga pangalan ng magkapatid na nasawi rin at residente sa lugar.

Kasalukuyan namang nakadetine sa himpilan ng pulisya ang driver  ng nakabanggaan nitong sasakyan na si Rodelio Nabor, 43, ng Sto. Niño, Brgy. Perez sa bayan- ding ito at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Sa ulat ni PO3 Aldrin Berces, dakong alas-11:30 ng gabi habang matuling binabagtas ng mga biktima ang Iba Road lulan ng motorsiklong Honda Wave (NO-8424) patungo sa kanlurang direksyon nang biglang tumawid ang Nissan Urvan (UVX-312) na minamaneho ni Nabor. Dahil sa tulin ng motorsiklo, hindi na nila nakontrol pa ito hanggang sa sumalpok sa van at saka tuluy-tuloy pang bumangga sa isang poste ng kuryente. Dahil dito, tumilapon ng ilang metro ang katawan ng mga biktima.

vuukle comment

MACKY CABACUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with