11 drug suspek arestado

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Umaabot sa 11-katao kabilang ang isang menor-de-edad ang naaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ( CDEU ) sa pitong oras na anti-drug operation sa tatlong barangay sa Lucena City, Quezon kahapon.?

Sa ulat ni P/Supt. Art Brual Jr. chief of police, unang naaresto sa buy-bust ang suspek na si John Kelvin Potestades sa Marktown Subdivision, Barangay Ibabang Dupay kung saan nakumpiskahan ng 4.5 gramo ng shabu.

Sumunod na nadakma si Romeo Mahiya sa bisinidad ng Halina Hotel sa Barangay 4.? 

Naaktuhan naman sa pot session sa loob ng nasabing hotel sina Gonio Bolanos, 33; Andronico Quinto, 19; Froilan Gerard Morong, 39; Mc Daniel de Castro, 18; at ang 17-anyos na itinago sa pangalang Randy.? 

Nasakote rin ang mga suspek na sina Jomer Guillermo ng Brgy. San Francisco at John John Holgado ng Brgy. 5.? 

Arestado rin ang dalawang bading na sina Michael Magadia, 28; at Rafael Tabuso, 34, na nag-aabutan ng shabu.?

Show comments