Sundalo dinedo ng Cafgu

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines -  Napaslang ang 48-anyos na corporal ng Phil. Army matapos itong pagbabarilin ng kanyang tauhang Citizen Armed Forces Geographical Unit sa CAA detachment sa Barangay Labuo, bayan ng President Roxas, North Cotabato, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Corporal Michael Todenio ng Brgy. Sasa, Davao City, nakatalaga sa 72nd Hotel Company ng Philippine Army. Habang nasakote naman ang suspek na Noli Calawigan Cabaya, 47, ng Brgy. Tuael, bayan ng President Roxas. Ayon sa report, pinagalitan ng biktima ang suspek dahil palagi itong nawawala sa oras ng trabaho. Gayunman, nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa nagalit si Cabaya sa kanyang commander at dalawang beses nitong binaril gamit ang cal.30 M1 Garand. Isinigod pa sa ospital si Todenio subalit idineklarang patay habang naaresto naman ang suspek sa inilatag na follow-up operation ng pulisya.

Show comments