Brgy. treasurer napagtripan ng adik, utas

QUEZON , Philippines - Tadtad ng saksak ang buong katawan at patay na ng matagpuan ang 48-anyos na barangay treasurer na sinasabing napagtripan ng adik sa sementeryo sa Barangay 3, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng umaga.? Sa ulat ni P/Chief Insp. Alvin Consolacion, chief of police sa bayan ng Tiaong, kinilala ang biktima na si Marino Amat, binata at nakatira sa Sitio Ayusan, Barangay Mabato.?  Ayon sa caretaker ng sementeryo na si Noel Villanueva, dakong alas-11ng umaga habang nag-aayos ng hinukay na lupa na paglilibingan ng isa nilang kababayan nang mapansin nito ang mga patak ng dugo sa nitso.? Gayunman, nang tuntunin ni Villanueva ang pinagmulan ng dugo ay nadiskubre nito ang duguan at walang buhay na biktima.? Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng killer na sinasabing adik sa droga.

 

Show comments