Drug suspek, nilikida

BULACAN , Philippines -  Bulagta ang 18-anyos na sinasabing notoryus na tulak-droga matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Batia, bayan ng Bocaue, Bulacan noong Linggo ng madaling araw. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Rogelio “Boy Negro” Del Monte Jr. ng Saint Martha Homes Subd. sa nasabing barangay. Base sa ulat na nakarating sa Camp Alejo Santos, nasa loob ng bahay ang biktima na sinasabing naghihintay ng parukyano nang pasukin at pagbabarilin. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol at ilang plastic sachet ng shabu.

Show comments