_ngayon
^

Probinsiya

4 treasure hunters, kalaboso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Apat na treasure hunters ang panibagong inaresto ng pulisya sa lupaing pag-aari ng dating solon habang naghuhukay upang makuha ang sinasabing kakambal ng Golden Buddha sa Barangay Trinidad, bayan ng Mallig, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Rexson Casaway, hepe ng Mallig PNP ang mga suspek na sina Ultimo Bugarin, 62; Benjamin Pasion, 64; Jomar Labog, 35; at si Jason Castillo, 42.? Nasamsam sa mga suspek ay isang Yanmar engine na may generator,  isang Jack hammer at dalawang pala.? Sa record ng pulisya, nauna nang naaresto ang lima noong nakaraang buwan habang naghuhukay sa sinasabing lupaing pag-aari ni dating Rep. Edwin Uy.? Sinasabing hawak ng mga treasure hunters ang mapang galing sa isang kanang kamay ni General Tomoyuki Yamashita na naiwan sa bayan ng Mallig na sinasabing pugad ng mga makapili. Wala naman ang solon sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente.

TREASURE HUNTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with