Holdaper dedo sa shootout
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2017 - 12:00am

Cavite , Philippines – Napaslang ang 35-anyos na holdaper habang nakatakas naman ang kasabwat nito makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa bisinidad ng General Trias Drive sa Barangay Silangan II sa bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Hernan “Taba” Casas ng Barangay Kanluran habang pinaghahanap naman ang kasabwat nitong holdaper. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, hinoldap ng dalawa ang mga biktimang sina Jenelyn Enghog at Jessa Abad habang naglalakad sa nasabing lugar. Natangay ang dalawang bag na naglalaman ng malaking halaga at ilang personal na gamit. Gayunman, inireklamo ng mga biktima ang naganap na insidente kung saan nagkahabulan at napatay si Casas. Narekober sa encounter site ang cal .38 revolver na may dalawang bala, tatlong basyo nito, motorsiklo, dalawang bag ng biktima at dalawang plastic sachet ng shabu. 

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with