Patay sa flashfloods: 18 na

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 18 katao ang nasawi sa malalakas na pagbuhos ng ulan bunsod ng low pressure area (LPA) na nagdulot ng mga pagbaha sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas Region, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, ang mga biktima ay isa sa Cebu, 9 sa Zamboanga del Norte, tatlo sa Gingoog City, Misamis Oriental, tatlo sa Cagayan de Oro City, isa sa Bukidnon at isa sa Misamis Occidental. May mga iniulat ding nawawala habang tatlo ang sugatan.

Samantala, umabot na sa 6,200 pamilya ang naapek­tuhan ng pagbaba na nagsimula nitong nakalipas na araw sa may 11 barangay sa Datu Montawal, Maguindanao.

Ayon kay Vice Mayor Datu Otto Montawal nasa highway na ngayon ang ilang mga residente ng Pagagawan at Bulit matapos na tumaas ang antas ng tubig dito.

Show comments