3 ‘tulak’ utas sa buy bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2017 - 12:00pm

BULACAN, Philippines - Tatlong lalaki na umano’y tulak ng shabu ang nasawi sa naganap na palitan ng putok habang isinasagawa ang buy bust ope­ration sa dalawang lugar sa Brgy. Cacarong Bata sa bayan ng Pandi at Brgy. Panghulo, Obando kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo na ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mga suspek na sina alyas Mumong, Emarwin Pablico, pawang ng Brgy. Cacarong Bata, at isang alyas Budoy na ng Brgy. Panghulo, Obando.

Base sa ulat ni P/CInsp. Manuel de Vera sa Camp Alejo Santos, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makipag-engkuwentro ang isang alyas Mumong matapos na makatunog sa buy bust operation ng pulisya na sinundan ng operasyon ng lokal na Drug Enforcement Unit sa isa pang lugar na ikinasawi ni Pablico dahil sa nanlaban umano sa mga pulis.

Samantala, dakong alas-12:30 ng madaling araw, bumili rin ang isa pang poseur buyer na pulis kay alyas Budoy sa Brgy. Panghulo at habang nag-aabutan ay nakahalata na pulis ang kausap saka tumakbo sa isang lugar sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City at nang makorner ay dito na lumaban saka gumanti ang pulisya na tuluyang ikinasawi ng suspek.

Narekober sa tatlong ope­rasyon ang 14 na pakete ng shabu, iba’t ibang mga drug paraphernalias, isang brick ng marijuana, isang .38 revolber, dalawang .22 revolber mga iba’t ibang bala at P600 marked money. 

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with