17 tiklo sa drug trade

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas ang 17-drug suspek kabilang ang  isang notoryus na tulak-droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa dalawang barangay sa Lucena City, Quezon kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Dennis de Leon, chief of police sa Lucena City ang naarestong suspek na si Napoleon “Tabuloy” Escalona, 57, ng Purok Atis, Barangay Mayao Crossing at numero uno sa drug watchlist.

Naaresto rin sa loob ng bahay ni Escalona ang mga suspek na sina Jeffrey de los Reyes at Juanito Aguilar na naaktuhan sa pot session.

Ayon kay P/Senior Insp. Rodolfo Borromeo, nasam­sam sa mga suspek ang 3.53 gramo ng shabu.

Samantala, nasakote rin sa busy-bust operation sina Royston Gandia at Gregorio Celino sa Purok Damayan, Barangay Ibabang Iyam kung saan nasamsam ang 1.55 gramo ng shabu.

Nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay ni Gandia ay naaktuhan sa pot session ang 13-katao kabilang ang tatlong kabataan.

Kinasuhan naman ang mga suspek na sina John Michael Prodigalidad, Jayson Tatlonghari, Albert Forbes. Elmer Diala, Renne Santos, Ronnel Muñoz, Mark Obien, Aldrin Khan Tibay, Bhea Dimalanta, at si Brenda Ruz.

Show comments