Bike vs pick-up: Rider dedo

CAVITE, Philippines – Patay ang 46-anyos na motorcycle rider matapos itong sumalpok sa kasalubong na pick-up sa kahabaan ng Buhay na Tubig Road sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Ronald Purificacion Tabing ng  Phase 7 sa Brgy. Bagong Silang (Bahayang Pag-Asa) sa nasabing lungsod. Nakilala naman ang driver ng pick-up na si Bernardo Angeles Rodenas ng Block 5 Lot 14-15 Great Woods Subd. sa Bacoor City, Cavite. Base sa police report na nakara­ting sa Camp Pantaleon Garcia, sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo si Purificacion kaya sumalpok sa kasalubong na sasakyan na may plakang LNF-322.

Show comments