11-anyos pisak sa killer truck

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 11-anyos na mag-aaral matapos itong magulungan ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng national highway sa Purok 10, Barangay San Jose, bayan ng Quezon, Bukidnon kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Bukidnon Provincial Hospital ang biktimang si  John Jeorge Roslinda ng nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bigla na lamang tumawid ang bata sa highway kung saan nahagip ito ng humahagibis na 10-wheeler truck (WKZ 397) na nakapangalan sa Algon Engineer Construction sa Davao City. Sa kamalasan ay nakaladkad pa ang bata ng ilang metro na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigong maisalba ang buhay. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang driver ng trak na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments