Misis dinos-por-dos ni mister, utas
Kinilala ang biktima na si Dharen Jane Ombid Griño, 23, habang ang suspek ay si Roly “Dodo” Griño Jr, 24, pawang residente sa lugar. Napag-alaman mula kay Ginang Doris Ombid, ina ng biktima na pasado alas-2 ng hapon kahapon nang isugod sa ospital ang anak nito matapos hampasin ng kahoy ng sariling asawa.
File photo

Misis dinos-por-dos ni mister, utas

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2016 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang misis makaraang paghahampasin ng kanyang mister ng kahoy dahil lamang sa pagpigil ng una sa asawa na huwag saktan ang kanilang 1-anyos na anak sa Purok Manisi, Bo. 2, Banga, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Dharen Jane Ombid Griño, 23, habang ang suspek ay si Roly “Dodo” Griño Jr, 24,  pawang residente sa lugar.

Napag-alaman mula kay Ginang Doris Ombid, ina ng biktima na pasado alas-2 ng hapon kahapon nang isugod sa ospital ang anak nito matapos hampasin ng kahoy ng sariling asawa.

Ayon kay Ginang Doris, pinigilan umano ng anak nitong si Darren ang kanyang asawa na tadyakan ang kanilang isang taong gulang na anak kung kaya’t siya ang napagbalingan at hinampas sa ulo.

Emosyonal na sinabi ni Ginang Doris, na palaging sinasaktan ng suspek ang kanyang anak. Sa katunayan, makailang beses na rin siyang ipina-blotter ng biktima dahil sa kanyang ginagawang pananakit.

Napag-alaman na pawang mga obredro ang mag-asawa at may tatlong anak.

MISIS DINOS-POR-DOS NI MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with