Bike vs bike: 1 patay, mag-asawa kritikal
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2016 - 12:00am

QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 50-anyos na canvasser habang malubhang nasugatan ang mag-asawa makaraang magbanggaan ang magkasalubong na motorsiklo sa Barangay Ibabang Alsam, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Felipe Narzabal, may asawa at residente sa Barangay Lawigue. Ginagamot naman sa Tayabas Community Hospital ang mag-asawang sugatang sina Ruel Jasmin, 45, security guard; at Alnie Jasmin, 43, mga residente sa Barangay Palola, bayan ng Lucban, Quezon. Ayon sa pulisya, patungo sa city proper si Narzabal nang nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ang kasalubong na motorsiklo ng mag-asawa. Makailang ulit na bumaliktad ang dalawang motorsiklo kaya namatay si Narzabal habang malubha naman ang mag-asawa.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with