Shootout: Isa pang tulak patay

Sa bisa ng dalawang search warrant ng mga awtoridad laban kay Edwin Sinoy, sinalakay ng mga pulis ang bahay nito subalit pinutukan ang papalapit na arresting team ng pulisya.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang tulak-droga makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa ikinasang operasyon sa District Atis, Barangay Uno sa bayan ng Nasipit, Agusan Del Norte, kamakalawa ng gabi. Sa bisa ng dalawang search warrant ng mga awtoridad laban kay Edwin Sinoy, sinalakay ng mga pulis ang bahay nito subalit pinutukan ang papalapit na arresting team ng pulisya. Napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek na tinamaan naman sa dibdib at napatay. Ayon kay PO2 Recafort Jilbuena, nasamsam ang 2 plastic  sachet ng shabu (15 gramo) at cal.38 revolver na may mga bala.

Show comments