Barangay chairman, itinumba

Ayon kay P/Senior Insp. Joseph Tayaban, hepe ng Badoc PNP, naghatid ng kanyang apo sa paaralan ang biktimang si Chairman Ambrosio Fagaran ng Barangay Madupayas nang ratratin ng dalawang maskaradong berdugo dakong alas-7 ng umaga.
File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 60-anyos na barangay chairman habang sakay ng kanyang traysikel sa Barangay Alogoog, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kahapon ng umaga.? Ayon kay P/Senior Insp. Joseph Tayaban, hepe ng Badoc PNP, naghatid ng kanyang apo sa paaralan ang biktimang si Chairman Ambrosio Fagaran ng Barangay Madupayas nang ratratin ng dalawang maskaradong berdugo dakong alas-7 ng umaga. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City dahil sa anim na tama ng bala sa katawan. ?Nabatid na wala sa drug watchlist si Fagaran habang sinisilip ng pulisya ang anggulong pulitika  o ang Oplan Paniningil ng mga kandidatong hindi nagtagumpay noong nakalipas na eleksyon.

Show comments