_ngayon
^

Probinsiya

15-anyos tomboy ni-rape ng driver

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Arestado ang 52-anyos na sikad driver matapos umanong gahasain ang 15-anyos na tomboy sa Amao Road, Brgy. Bula sa General Santos City, South Cotabato. Kinilala ang suspek na si Rizalde Huwagpaw, may-asawa ng Zone 9, nasabing barangay. Aminado naman ang suspek na kanya ngang nagalaw ang biktima. Sinasabing sumakay ang biktima sa sikad ng suspek kasama ang isa pang menor-de-edad na inihatid nito sa Zone 8. Habang ang biktima ay nagpaiwan sa sasakyan hanggang sa nakarating sila sa Amao Road, sa damuhang bahagi, kung saan nangyari na ang panggagahasa. Depensa naman ng suspek, humingi umano ang biktima ng P500, subalit P550 ang kanyang ibinigay. Inamin din ng suspek na tatlong taon na silang may relasyon ng biktima na isa umanong sukarap o batang hamog. Kasalukuyan nang nakapiit sa Bula Police Station ang suspek.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with