Tserman timbog sa PDEA, CIDG

CAMARINES NORTE, Philippines  - Bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency, Criminal Investigation and Detection Group at ng lokal na pulisya ang isang umano’y  adik na  barangay chairman matapos na isagawa ang search warrant operation sa Brgy Gaboc, Mercedes, Camarines Norte. Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Evan D. Dizon, Fifth Judicial Region, Branch 40, Daet, Camarines Norte nang pasukin ang bahay ng suspek na si Brgy. Chairman Romeo  “Boboy” Ibasco, 42, ng Purok 4, Barangay Gaboc dakong alas-2:15 ng hapon. Nakuha kay Ibasco ang tatlong pirasong plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at isang pirasong heasealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white powder. Samantala, batay sa rekord ng Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr,  umaabot na sa 5,926 drug users at 352 drug pushers ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad habang 16 drug personalities ang napatay ng anti illegal drug operation sa Camarines Norte.

Show comments