Ambush: Barangay chairman utas

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 50-anyos na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Pandalla, Muñoz City sa Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Sacred Heart of Jesus Hospital sa San Jose City ang biktimang si Chairman Danilo Paca Sr. y Eugenio, may-asawa ng Barangay Pandalla. Nakaligtas naman ang kasama nitong barangay treasurer na si Jocelyn Esmena.Nabatid na nagmamaneho ng traysikel si Chairman Paca mula sa Barangay Gabaldon nang dikitan at ratratin ng tandem bandang alas-2:30 ng hapon.

Show comments