Tandem bulagta sa checkpoint

MANILA, Philippines - Dalawang notoryus na miyembro ng sindikato na magkaangkas sa motorsiklo ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Palina West, Urdaneta City sa Pangasinan noong Biyernes ng madaling araw. Sa ulat ng Pangasinan PNP na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa dahil walang marekober na identification card. Bandang alas-3:20 ng madaling araw ng makasagupa ng pulisya ang tandem na nakorner sa inilatag na checkpoint. Nabatid na ang dalawa ay sangkot sa pamamaril at pagpatay sa isang hindi pa kilalang lalaki sa Barangay Camantiles sa nasabing lungsod. Narekober sa dalawa ang cal. 45 pistol at motorsiklong gamit sa illegal na aktibidad.

Show comments