24-anyos dedo sa gang war

CAMARINES NORTE, Philippines - Pinaniniwalaang nireksbakan ng kaaway at napatay ang 24-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang pinsan makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng Bagasbas Road sa Barangay 6, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Victor Abarca, tagapagsalita ng Camarines Norte PNP, kinilala ang napaslang na si Edurado Bautista Jr. ng Purok 1, Brgy. Dogongan habang sugatan naman ang pinsan nitong si Mark Palu Español ng Purok 3 Brgy. Man-ogob sa bayan ng San Vicente. Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo ang magpinsan nang ratratin subalit hindi naman tinamaan kaya hinabol sila ng gunmen saka muling pinutukan hanggang sa mapatay si Bautista. Sinisilip naman ang anggulong gang war ang isa sa motibo sa pamamaril sa mga biktima.

Show comments