Misis ‘di sustentado ng mister, nagbigti

Ipinasyang tapusin ng 19-anyos na misis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang magutom dahil sa hindi pagbibigay ng sustento ng kanyang mister, kamakalawa ng hapon sa Purok Maligaya, Barangay Libjo sa bayan ng Infanta, Quezon. Philstar.com/File Photo

QUEZON, Philippines - Ipinasyang tapusin ng 19-anyos na misis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang magutom dahil sa hindi pagbibigay ng sustento ng kanyang mister, kamakalawa ng hapon sa Purok Maligaya, Barangay Libjo sa bayan ng Infanta, Quezon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arlene Oriendo. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dumating sa bahay ang mister na si Marlon Ruatorres mula sa trabaho subalit ‘di ito makapasok dahil naka-lock ang pintuan. Nang sumilip sa siwang ng bintana si Marlon ay nakita ang asawa na nakabitin sa kisame kaya kaagad na winasak nito ang dingding upang makapasok. Narekober ng pulisya ang suicide note sa higaan na nagsasaad na minabuti na lamang magpakamatay ng biktima dahil patuloy siyang nagugutom. Hindi umano ito binibigyan ng pera ng kanyang mister kaya walang pambili ng pagkain.

 

Show comments