Bebot na drug personality tinodas sa parlor

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 27 anyos na drug personality na bebot ang pinabulagta ng hindi nakilalang salarin habang nagpapaayos ng kanyang buhok sa loob ng isang parlor sa Abulug, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Insp. Marlon Serna, hepe ng PNP Abulug, ang napatay na si Karen Joy Beltran na residente ng Brgy. Libertad sa nasabing bayan.

Ayon kay Serna, pinasok ng killer ang biktima sa parlor at walang habas na pinag­raratrat ang ulo sa harap ng bading na natalsikan ng dugo at ang kanyang ka-live in na kapwa nagulantang sa pangyayari.

Sinubukang isugod ng mga sumaklolo si Beltran sa pagamutan subalit idineklara na itong patay.

Nabatid na isa ang biktima sa mga sumawsaw sa paanyaya ng Pulisya sa isinagawang programa ng Oplan Tokhang sa Abulug kamakailan.

Show comments