Tambay wagi ng P82.3M sa lotto

MANILA, Philippines — Inulanan ng swerte ang isang 29-anyos matapos manalo ng P82.3 milyon sa 6/49 Super Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinamaan ng lalaking walang trabho na mula ng Zambales ang winning combination of 05-09-11-14-22-29 na binola nitong Agosto 16.

Ayon sa PCSO, pinagbasehan ng bagong milyonaryo ang kapanganakan ng kaniyang mga kamag-anak sa pagtaya ng mga numero.

Nitong kamakalawa ay personal na inabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tseke sa winner.

Sinabi ni Rojas na ibibili raw ng bahay at lupa ang napanalunang pera ng lalaki habang ang iba ay inenegosyo.

Show comments