5 pushers utas, 48 arestado
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bulagta ang limang big time drug pushers habang 48 naman ang nasakote sa inilatag na magkakahiwalay na drug bust operation ng pulisya sa Bulacan, Nueva Ecija at Isabela kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga napatay ay sina Albert Roy Santos, at Reniel Santos na kapwa nakipagbarilan sa mga ope­ratiba  ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Tigpalas, ba­yan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Napatay din ang sinasabing drug pusher na si  Alvin Ramos Gonzales  na kumasa sa mga awtoridad sa operasyon bandang alas-12:40 naman ng hapon.

?Maging ang notoryus na drug peddler na si Jefferson Basa ay niratrat at napatay ng riding-in-tandem assassins sa Barangay San Andres sa bayan ng Cabatuan, Isabela kahapon.

Ayon kay P/Senior Insp. Noriel Lacangan, hepe ng Cabatuan PNP, nakasakay ng traysikel si Basa nang pagbabarilin bandang ala­una ng madaling araw.

Hindi naman sinaktan ang drayber ng traysikel na siyang nagdala sa biktima sa hospital.?

Sinasabing si Basa ay ikalawa sa top most wanted drug personality sa bayan ng Aurora.

Samantala, dalawang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay 40-anyos na drug pusher na si Nestor “Estong” Reyes matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Purok 4, Barangay Malapit sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga.

Ayon sa pulisya, si Reyes ay nasa drug watchlist personalities ng San Isidro PNP sa ilalim ng kategoryang pusher at user. 

Aabot din sa 48 tulak at drug user ang nasakote sa serye ng operasyon sa Bulacan.

Umaabot naman sa kabuuang 170 plastic sachet na shabu, anim na armas, 18 bala, 4 units ng motorsiklo na gamit ng mga drug pusher sa operasyon at bulto ng mga drug paraphernalia ang nasamsam ng pulisya.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., acting Provincial Police Office ng Bulacan, umabot hanggang alas-12 ng hatinggabi kamakalawa ng kahapon ng madaling araw ang isinagawa operasyon sa bisa ng 24 search warrants sa iba’t-ibang lugar sa Bulacan.

BULACAN SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with