Bangka lumubog: Totoy dedo, 26 nasagip

MANILA, Philippines - Maagang kamatayan ang sinapit ng 2-anyos na totoy habang 26 naman ang nailigtas makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan ng Banate, Iloilo noong Martes ng hapon.?

Sa ulat ng Office of Civil Defense Western Visayas, kinilala ang namatay na si Jerico de la Cruz.

Nasagip naman ang 26 pasahero na naisugod naman sa Barotac Viejo District Hospital.

Bandang alas-3 ng hapon nang magsimulang lumubog ang bangka sa malalim na bahagi ng beach resort sa Sitio Tubay, Barangay San Salvador.?

Nabatid na pabalik sa Banate Port ang Bangka matapos magdiwang ng kaarawan ng isa sa mga pasahero.

Ayon sa pahayag ng mga pasaherong nakaligtas, binalya ng malalakas na alon ang bangka kaya pinasok ng tubig hanggang sa lumubog.?

Sa kamalasan ay ma­pahiwalay sa mga magulang ang 2-anyos na totoy na nadale sa trahedya.?

Show comments