Mag-ina inutas ng kaanak

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos itong hatawin sa ulo ng isa sa kanilang kamag-anak sa loob ng bahay sa Barangay Barangka, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mag-ina na sina Mary Ann Pablo, 37; Mary Lee Pablo, 15, mga nakatira sa nasabing barangay. Tinutugis na ng pulisya ang pangunahing suspek na kinilala lamang sa alyas Jon-Jon na sinasabing adik sa droga. Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Froilan Uy sa Camp Alejo Santos, kapwa natutulog ang mag-ina sa kanilang bahay nang pasukin ng suspek na armado ng matigas na bagay. Unang pinalo sa ulo ang ina saka isinunod ang anak na dalagita. Sinisilip ng pulisya ang anggulong personal nagalit ng suspek sa mag-ina.

Show comments