2 tiklo sa drug bust

QUEZON, Philippines – Arestado sa drug bust operation ang dalawang lalaki na sinasabing drug pusher sa Barangay Pinagtalyeran sa bayan ng Calauag, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Edison Macalintal at Arnel Saludadez. Ayon sa ulat, naunang dinakma si Saludadez matapos itong makum­piskahan ng 6-plastic sachet ng shabu at cal. 38 revolver. Habang inaaresto si Saludadez ay dumating si Macalintal kung saan nagpakilalang pulis batay sa ipinakita nitong identification card. Nang di-masagot kung saang unit siya naka-assign ay pinosasan si Macalintal at nakumpiskahan ng cal. 45 pistol. Bineberipika pa ng mga awtoridad kung lehitimong pulis si Macalintal.

Show comments