Barangay chairman, itinumba
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - April 28, 2016 - 10:00am

BATANGAS, Philippines - Patay ang 47-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki may ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion 3, bayan ng Bauan, Batangas kahapon ng madaling araw. Namatay habang ginagamot sa Dr. Mario Bejasa General Hospital ang biktimang si Chairman Gilbert “Pangulong Labuyo” Alvar ng nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jezreel Calderon, hepe ng Bauan PNP, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng burger stand malapit sa kanyang bahay sa Binay Street nang lapitan at pagbabarilin. Sumakay ng traysikel ang gunmen habang inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaslang.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with