Tanod nagpaputok sa campaign rally
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2016 - 10:00am

BATANGAS , Philippines – Arestado ang isang hepe ng barangay tanod matapos itong magpaputok ng baril sa campaign rally ng United Nationalist Alliance (UNA) sa bayan ng Agoncillo, Batangas kamakalawa ng gabi. Nagsasagawa ng meeting de avance ang kampo ni mayoralty candidate Glorioso Martinez sa Barangay Barigon sa nasabing bayan nang bigla na lang magpaputok ng baril ang suspek na si Miguel Landicho sa may isang daang metro lang ang layo sa pinagdadausan ng campaign rally. Gayunman, kaagad na ipinaalam ng kampo ni Martinez sa Agoncillo PNP ang insidente na agad namang ina­resto si Landicho na sinasabing lango sa alak. Narekober ang dalawang basyo ng cal. 9mm pistol pero hindi narekober ang baril matapos itong itago ng suspek. Mahaharap sa kasong illegal discharge of firearm and grave threat si Landicho na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with