_ngayon
^

Probinsiya

Guro pinagtataga ng drug adik

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kasalukuyang nakikipag­laban kay kamatayan ang 34-anyos na guro matapos itong pagtatagain ng isang adik na lalaki na nag-amok kamakalawa ng hapon sa Zone 7 sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Libon, Albay.

Naisugod sa Regional Hospital ang biktimang si Rosie Baniadero, may asawa, guro sa Palo Elementary School sa nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Edwin Satuito, 27, ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, naglalakad ang biktima patungo sa kanyang bahay mula sa nasabing school nang habulin ng suspek na sinasabing lango sa droga.

Gayon pa man, inabutan ang biktima saka pinagtataga ng suspek bago tumakas.

Sumaklolo naman ang ilang residente kung saan naisugod sa nasabing ospital habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with