Nawalan ng trabaho, nagbigti

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Art Brual Jr., hepe ng Tayabas City PNP, natagpuang nakabitin sa loob ng bahay ang biktimang si Solomon Ecleo. Philstar.com/File Photo

QUEZON, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 42-anyos na lalaki na sinasabing nawalan ng trabaho matapos itong magbigti sa kisame ng kanyang bahay sa Sitio Ayala, San Isidro, Barangay Zone 3 sa Tayabas City, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Art Brual Jr., hepe ng Tayabas City PNP, natagpuang nakabitin sa loob ng bahay ang biktimang si Solomon Ecleo. Sinabi ng mga kaanak na noong isang linggo ay matamlay at  nawalan ng direksyon ang buhay ng biktima at palaging hindi makausap matapos na mawalan ng trabaho. Pinaniniwalaang desperado ang biktima subalit  patuloy ang imbestigasyon matapos makitaan ng kakaiba sa lugar kung saan nagbigti ang biktima.

Show comments